Ricci Rivero sa bashers: Don’t hate on my kakampink GF

NAKIUSAP si Ricci Rivero sa netizens na huwag i-bash ang girlfriend niyang si Andrea Brillantes sa ginagawa nitong pangungumbinsi sa kanya na si Vice President Leni Robredo ang suportahan niya imbes na si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr.

Ani Ricci, may go-signal niya ang ginagawa ni Andrea na pagko-convert sa kanya.

“Sa mga may chance magalit na ginawa niya to, hindi po dapat kasi ang sabi ko sa kanya kung ano ‘yung feel niya na pwede niya gawin go lang. So if sakin ok lang, sana sa inyo rin po! She’s just really trying to make me believe sa kung kanino siya naniniwala,” paliwanag ni Ricci, isang self-confessed UniTeam stan.

Kinontra rin ng UP Maroon player ang hirit ng ilang netizens na na-convert na siyang maging kakampink ni Andrea.

“Sa mga nagagalit diyan na I’m pretending that she converted me already, that’s not the point of me posting all these. I’m just saying na she’s trying and doing something para sa paniniwala niya. I respect her for that and kung hate lang ang dala niyo then ‘wag niyo na lang po i-open stories ko. I’m just proud of what my girlfriend’s doing,” ayon pa kay Ricci.