Leandro hindi natikman pinya ni Osang: ‘Para niya akong kapatid na bata’

LAUGHTRIP ang publiko sa mga rebelasyon ng aktor na si Leandro Baldemor sa naganap na photo shoot para sa 1996 movie nila ni Rosanna Roces na “Patikim ng Pinya.”

Kuwento ni Lendro sa panayam ng Bandera:

“Kung makikita n’yo yung unang pictorial namin, parang gulat ako!

“Nakaganu’n ako, naka-briefs ako. Paano naman itong si Osang, nakaibabaw sa akin…kinaskas naman nang kinaskas!

“Hindi ko sinabing inintensyon niya. Kasi hindi ko alam kung ano ba ‘yung tama. Kasi hindi ko alam kung talagang lumapat or whatever. Basta’t ang naramdaman ko, iba! Siyempre, first time. Aba, p***ng ina! Hahahaha!

“Yung 18 years old ako noon, siyempre mapusok pa ako. Saka hindi ko alam…e, ano pa naman, hindi ko makakalimutan yung panty ni Osang du’n, yung lace. Kaya mababaliw ka talaga kay Osang!”

Gayunman, walang naganap sa kanila ng aktres dahil kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa.

“Wala, hindi ko natikman ang pinya! Hahahahaha! Actually, para niya akong kapatid na bata,” sey ni Leandro.

“Nandu’n yung pagka-ate (ni Rosanna), e. Na ganito, ganito. Guide, guide, guide. Guide ka, kasi batang-bata pa ako noon,” dagdag niya.