Pinoy safe sa baha sa Brazil, Indonesia

WALANG Pilipino na naiulat na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Brazil at Indonesia, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ito ang nakuha nilang impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) bagaman patuloy ang ginagawang pagtutok ng pamahalaan sa kaganapan sa dalawang bansa.

Pumalo na sa 78 ang bilang ng nasasawi sa pagbaha bunsod ng ulan sa Rio Grande do Sul, na matatagpuan sa katimugang bahagi ng Brazil, habang nasa 115,000 na katao ang lumikas.

Samantala, sa South Sulawesi sa Indonesia, 14 na katao ang nasawi habang 115 ang inilikas dahil sa baha at pagguho ng lupa na dulot din ng malakas na ulan.