Comelec nanawagan sa mga celebrities: Bayad ng inendorsong pulitiko isapubliko

NANAWAGAN si Elections Commissioner George Garcia sa lahat ng mga celebrities na isapubliko kung magkano ang ibinayad sa kanila ng mga inendorsong pulitiko nitong nakaraang halalan.

“It takes two to Tango. We respectfully request the artists to at least give us the total picture, the complete picture of what really was spent by the candidate so that we can compare,” ayon kay Garcia sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Samantala, nanawagan naman si Garcia sa lahat ng mga kandidato na lumahok nitong nagdaang halalan na mag-file na ng kanilang statement of contribution and expenditures bago pa dumating ang deadline sa Hunyo 8.