Pagtaas ng COVID-19 cases hindi mapipigilan – Galvez

SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi mapipigilan ang pagtaas ng mga kaso mg corona virus disease (Covid-19) sa Pilipinas sa harap naman ng pagsipa ng mga kaso sa maraming bansa bunsod ng mga bagong variant.

“The new South African variants are now making an uptick and it’s a matter of time that the Philippines will follow maybe two weeks or a month from now, as predicted by experts,” sabi ni Galvez sa kanyang ulat sa Talk to the People.

Aniya, kabilang sa mga bansang may mga nararanasan nang pagtaas ng Covid-19 ang Europe, Germany, at Denmark.

“Inuulit po namin na very imminent na po na tataas ang ating mga kaso at very vulnerable ang mga hindi bakunado dahil ang sabi po ng ating mga ospital at saka mga datos natin sa DOH, 95 percent po ang namatay ay unvaccinated,” dagdag ni Galvez.