Photos ni Liza kinunan sa ‘most expensive resort in the world’

USAP-USAPAN ang latest post ng aktres na si Liza Soberano sa Instagram.

Pero hindi ang swimwear o ang brand ng sunscreen na ine-endorse ni Liza ang tinutukan ng publiko kundi ang lugar kung saan kinunan ang mga pics.

Sa IG post ni Liza, makikita na dumayo si Liza at iba pang endorser ng isang brand ng sunscreen sa Banwa Private Island, ang most expensive resort in the world na matatagpuan sa Palawan.

Bago nag-rebrand ang resort ay nagkakahalaga ng $100,000 (P5.7 million) per night ang rate nf Banwa.

Pero dahil sa pandemic ay nagdesisyon ang management na burahin ang tatak nito na “most expensive resort.”

Sa kasalukuyan ay nasa $2,650 per night ang rate sa one-bedroom pero tatlong gabi ang minimum length of stay.