‘It’s a girl’

KINUMPIRMA ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto na girl ang ikalawang anak nila ng mister na si Nonrev Daquina.

Nitong Lunes ay in-upload ni Angeline ang gender reveal ng baby sa pamamagitan ng pagsali sa “Piliin Mo ang Pilipinas” trend.

Sa dulo ng video ay makikitang pinalo ng singer ang isang palayok at naglaglagan ang mga pink confetti.

“It’s a girl,” anunsyo ni Angeline.

Hindi naman napigilan ng singer na mapatalon sa excitement matapos niyang malaman na babae ang anak niya.

Ipinanganak noong April 27, 2022 ang first baby nina Angeline at Nonrev na si Sylvio.

Bago ito, hinulaan ng mga netizens na babae ang kasarian ng bunso ni Angge.

“I think it’s a baby girl kasi very blooming si Angeline.”

“Sana girl para Sylvia.”

“Girl anak ni Angge pag nagiba mukha ng nanay inaagaw ng baby yung ganda.”

“Nag iba mukha niya cguro its a girl.”