Daniel proud sa utol na shooter

BUMILIB ang aktor na Daniel Padilla sa nakababatang kapatid na Carmela Ford na kabilang sa mga nagwagi sa “1st Mistah Shootfest: The Robinhood Padilla Cup” nitong weekend.

“Bravo @lella_ford,” ani DJ.

Nag-first runner-up si Carmela sa “Experienced Female Category” na pinagwagian ni Sophia Asistio.

Ilan pa sa mga celebrities na pumutok sa shootfest sina Eric Nicolas, Archie Alemania, Ayana Misona, Rommel Padilla, Jestoni Alarcon at Sid Lucero.

“Pagpupugay kay Allah sa patuloy na patnubay sa ating bawat programa at aktibidad, kaagapay natin ang kanyang pagpapala at awa,” ani Sen. Robin sa pagtatapos ng event.

“Mapalad po tayo dahil mayroon tayong mga kasamahan, kapatid, kaibigan na walang sawang nagbibigay ng suporta sa ating mabuting hangarin para sa responsableng pagmamay-ari ng baril,” dagdag niya.