Cristy Fermin may haka-haka sa relasyong Vice-Ion

KAHIT walang nagtatanong, nagbigay ng kanyang kuro-kuro ang veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin kaugnay sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa kanyang talk ahow na Showbiz Now Na, nagpahapyaw si Cristy na tila may dinaramdam si Vice dahil lumalabas ito sa gabi kasama ang mga barkada.

“May mga ka-chika tayo na nagsasabi na madalas daw lumalabas ngayon si Vice at hinahanap ‘yung mga dati niyang barkada. Palatandaan nila ‘yon na kapag ganyan daw si Vice na dumadalaw sa mga dating komedyanteng kasamahan, may bitbit na problema,” hirit ni Cristy

Naniniwala rin siya na hindi na kasing-init ang relasyon ng dalawa.

“Tungkol kay Ion Perez, maaaring meron, d iba? Maaaring iniintindi niya dahil siguro hindi na kasing-init ng dati ang kanilang relasyon,” hirit pa niya.

“Inihatid pa raw niya si Ion Perez sa airport papunta ng Japan. ‘Yung mga paghihiwalay nang pisikal na ganito, nakakatakot ang ganyan,” sabi pa ni Cristy.