Asaran sa bilyaran nauwi sa patayan

NASAWI ang negosyante makaraang barilin ng seafarer na kalaro nito sa bilyaran sa Caloocan.

Ayon sa ulat, nagtalo ang dalawa sa loob ng  bilyaran sa A-Mabini dahil gusto ng biktima na pumusta pero tumanggi ang suspek.

Umabot ang argumento sa kalsada bagaman naawat sila ng ama ng suspek.

Sinundan ng biktima ang mag-ama pero umatras siya nang makita na may baril ang suspek.

Hindi pa nakakapasok sa bilyaran ang biktima ay binaril na siya ng suspek.

Ayon sa pulisya, nagkapikunan ang dalawa.  

“Kantiyawan po talaga at napikon. Napikon po itong suspek sa biktima,” ani Maj. Jansen Tiglao, chief investigator ng Caloocan PNP.

Hindi na mahagilap ng mga otoridad ang suspek at ang ama na umalis ng bahay makaraan ang pagpatay.

Nakipag-ugnayan na ang Caloocan Police sa Bureau of Immigration para maisama  sa lookout bulletin ang suspek.

Nahaharap ito sa kasong murder.