David nagsori sa pagsimangot sa fans

HUMINGI ng paumanhin ang Kapuso actor na si David Licauco na nakuhanan ng video na nagsusuplado sa mga fans na nakipag-selfie sa kanya.


Ani David, masama ang pakiramdam niya noon at inaantok na.


“May sakit ako niyan beh tapos 1am na yan hehe sorry po bawi ako next time ha,” aniya sa X/Twitter.


Reply ito ni David sa netizen na pinayuhan siya na sana ay tumanggi na lang sa mga fans kesa makitang hindi niya feel makasama ang mga ito.


“Sorry David pero sa totoo lang you could turn them down in a much nicer way, you could always say pasensya na bawi ako next time masama pakiramdam ko. Pero kitang kita kasi na your annoyed and irritated ka,” sey ng netizen na nagkomento sa viral video.