Xian Gaza tinawag na chaka members ng BINI; binarag ng fans

PERSONAL ang naging banat ng fans sa social media personality na si Xian Gaza makaraan nitong tawaging pangit ang karamihan ng mga miyembro ng girl group na BINI.


Sa Facebook post, sinabi ni Xian na dalawa lang ang maganda sa grupo at pangit na ang iba.


“May dalawang maganda sa BINI. Pangit na lahat,” aniya. “Hindi ko sinabi na pogi ako ha? Pangit din ako. Kagaya nung anim.


“Bahala kayong mag-isip kung sino. Hindi natin ire-reveal yung anim na chararat because that’s bullying. Bad yun,” dagdag niya.


Halos sumabog naman sa galit ang fandom ng BINI na BLOOMs sa hanash ni Xian.


“Makalait Xian Gaza …..gwapo ehhh no Tigas ng fez.”
“Xian gaza (?) u will start coughing blood in 3 days.”
“Mass report na dapat yang chismosang scammer na Xian Gaza na nagtatago sa Thailand.”
“Impakto talaga tong Xian Gaza na to. Grabe napaka epal at mapanglait.”
“Dat hindi niyo na pinapagamit ng internet yang si xian gaza e binablock dapat mukha niyan tapos pinapaskil sa mga poste wanted criminal tapos ang crime niya ang mabuhay.”
“Kumukulo dugo ko sa xian gaza na ‘to kapal kapal ng mukha pasapak nga.”
“Xian Gaza you will be forever in hell, sa dami mo ba namang tinakbuhang kaso dito sa pilipinas.”