Lalaking nagbabasa ng Bible tinodas

APAT na bala ang kumitil sa buhay ng isang born-again Christian na binaril habang nagbabasa ng Bible sa kanyang silid sa Polangui, Albay.


Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at tig-isa sa balikat at kamay ang biktimang si Ador Catampungan, 39, residente ng Brgy. Alnay.


Ayon sa ulat, sapilitang pumasok ang dalawang hindi nakilalang lalaki sa bahay ni Catampungan alas-7:30 ng gabi.


Tinutukan ng isa sa mga suspek ang mga kaanak ng Catampungan bago pumasok ang isa sa kuwarto ng biktima na noon ay nagbabasa ng Bible saka ito pinaputakan.


Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo at SUV.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay.