Daniel nag-birthday kasama aso, pusa

IMBES na sa bar, sa dog and cat shelter sa Pampanga ipinagdiwang ni Kapamilya actor Daniel Padilla ang kanyang 29th birthday nitong Biyernes.


Kasama naman ni DJ na nakisaya sa mga abandonadong aso at pusa ang kanyang solid supporters.


“Very happy kasi ginagawa natin is meaningful,” ani Daniel nang tanungin kung bakit naisipan niyang sa animal shelter mag-birthday.


Nagtulong-tulong si DJ at mga fans sa pagpapaligo at pagpapakain sa mga hayop.


Nasa mahigit 90 hayop na mula sa pounding areas sa Quezon City at Manila ang kinakalinga sa shelter.


Nagpapasalamat naman ang may-ari ng shelter sa mga dog and cat foods and treats na handog ni Daniel.


Pinagawan din niya ng bubong at kulungan ang mga pusa at nagdala ng vet team para i-neuter ang mga hayop.


“Hindi ko akalain, kasi wala naman kaming as in donor. Wala talaga, hindi ko akalain na mapipili niya kami” ani Gemma Omongos.


Bago ito ay nagkaroon din ng early birthday party si Daniel kasama ang mga batang may cancer sa Child Haus.


Nauna nang sinabi ng aktor na nais niyang magkaroon ng quality time sa kanyang pamilya at kaibigan sa kanyang kaarawan.