Maynilad may water interruption sa Hunyo 7-10

MATAPOS makaranas ng rotating brownout ang mga residente sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, magpapatupad naman ng water interruption ang Maynilad Water Services, Inc. sa Paranaque, Makati, Pasay, Valenzuela at Quezon City.

Ipapatupad ang water interruption mula Hunyo 7 hanggang 10.

Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na apektado ng kawalan ng tubig mula alas-7 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga ang Brgy 181 hanggang 185 at 201 sa Pasay City.

Mawawalan din ng tubig ang Bangkal, Magallanes, Pio del Pilar at San Isidro sa Makati City mula ala-11 ng gabi sa Hunyo 7 hanggang alas-7 ng umaga sa Hunyo 8.

Sa Quezon City, mawawalan ng tubig mula alas-9 ng gabi ng Hunyo 8 hanggang ala-1 ng umaga sa Hunyo 10. Kabila sa mawawalan ang Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Santa Lucia, Santa Monica, Sauyo at Talipapa.

Apektado naman ng water interruption ang Ugong (Quirinp Highway sa Valenzuela City ) mula alas-9 ng gabi ng Hunyo 8, 2021 hanggang ala-1 ng Hunyo 10, 2021.

Idinahilan ng Maynilad ang iba’t ibang leak repair at maintenance work sa pagkawala ng tubig.