Driver ginahasa 12-anyos na inaanak; sinapak ng kumare

SHOOT sa selda ang tricycle driver na paulit-ulit umanong ginahasa ang kanyang 12-anyos na inaanak sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Nasakote ang suspek makaraang ilahad ng biktima ang ginawa sa kanya ng kanyang ninong noong isang taon.

Ayon sa biktima, dalawang beses siyang ginawan ng masama ng suspek noong Setyembre, isa noong Oktubre at dalawa noong Disyembre.

Sinabi ng dalagita na pinapasok siya ng suspek sa kanilang bahay kapag naiiwan siya nang mag-isa.

Samantala, pinaulanan ng suntok ng ina ng bata ang suspek nang magkaharap sila sa presinto.

Inirekomenda ng piskalya ang P200,000 piyansa sa bawat isa sa limang counts ng kasong child abuse na isinampa sa suspek.

“So, P1 million ang piyansa,” sabi ng pulis.