1M doses ng Sinovac darating bukas



KARAGDAGANG isang milyong doses ng Sinovac vaccine mula sa China ang darating sa bansa bukas.


Ayon sa ulat, alas-7:30 ng umaga lalapag ang eroplanong may karga ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.


Pangungunahan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang pagsalubong sa bagong batch ng mga bakuna.


Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, ito ang kauna-unahang shipment para ngayong buwan.


Sa kasalukuyan ay aabot na sa 8.3 milyong doses na ng bakuna ang dumating ng Pilipinas, kung saan 5.5 milyon ay Sinovac. –WC