Zeinab inalala anniversary ng unborn baby

KASAMA ang mga anak na sina Lucas at Bia, inalala ng aktres at social media personality na si Zeinab Harake ang kanyang unborn baby boy na si Moon.


Sa Instagram story, ibinahagi ni Zeinab ang collage para sa anak.


“2yrs ka na sa puso namin mahal kita momoon ko,” caption ni Zeinab.


Sa isa pang photo, makikita sina Lucas at Bia na nag-alay ng kandila para sa kanilang kapatid.


Matatandaan na shinare ni Zeinab ang pagkawala ng kanyang dinadalang sanggol noong 2022 sa kasagsagan ng hiwalayan nila ng rapper na si Skusta Clee.


Kalakip ng larawan ng urn ang mensahe niya kay Moon: “My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. Be our forever angel mommy loves you so much.”