Kim: Paandar ni Xian, Iris ‘di masakit’

TILA may pahiwatig ang actress-host na si Kim Chiu sa pagbabandera ng ex-boyfriend niyang si Xian Lim at girlfriend ng huli na si Iris Lee ukol sa kanilang relasyon.

Noong Huwebes, May 2, inamin ng Kapuso actor-director na masaya siya kasintahang producer na si Iris sa interview ng Esquire Philippines.

Nitong Biyernes, ibinahagi naman ni Iris ang mga ganap nila ni Xian sa set ng ginagawa nilang pelikula sa Thailand.

Kaya naman naging sentro ng mga tuksuhan sa “It’s Showtime” si Kim.

Sa pagbubukas ng programa, binati nila ang “TNT Kids Season 2” winner na si Kim Hewitt na nag-perform sa entablado.

“Sinasabi namin na mahal namin lahat ng mga Kims at mahal ka namin Kimmy,” sabi ni Anne habang kayakap si Kim.

Biniro naman siya ni Vhong na sinabi na, “Gusto mo bang magsampol, Kim?”

Sinegundahan ito ni Anne at tinanong si Kim kung ano’ng kanta ang gusto nitong i-perform.

Hndi nagpatalo ang entry ni Jhong at tinanong niya si Kim: “Gusto mo bang ikaw na lang ang interbyuhin namin?”

“Hindi. Huwag ganyan, hindi masakit,” ang sagot ng aktres.