LGBT couple nag-gender reveal para sa anak

INULAN ng magkahalong pagbati at puna mula sa netizens ang gender reveal party ng live-in partners na sina Denzel Batocabe at Charlene Rivera na kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ayon kay Denzel, hindi plinano ang party pero dahil marami ang nagpadala ng cake, pagkain, at mga dekorasyon kaya nagdesisyon sila na ipagdiwang ang kasarian ng pinagbubuntis ni Charlene.

Dinaluhan ang party ng malalapit nilang kaibigan at pamilya, aniya.

Dagdag ni Denzel, plano sana nilang mag-ipon muna para sa kanilang kasal pero naunang nabuntis si Charlene.

Lalaki ang kasarian ng bata na pitong buwan na.

Binati ng mga netizens ang dalawa sa kanilang milestone pero may ilan din na nam-bash.

“Awwww! Congrats Denzel Batocabe and partner! Happy ako for both of you!”

“At least babae at lalake pa rin cla dalawa. Congrats!”

“Boy and girl pa rin naman sila kaya puedeng magkaroon ng biological child.”

“Ito na siguro ang dahilan ng tag init Dito sa pilipinas.”

“This is a milestone for the LGBTHIV+ Community!”

“Eeeewww disgusting.”