13-anyos nakipag-inuman; ni-rape ng ex-BF

KULONG ang isang 18-anyos na lalaki na gumahasa umano sa menor de edad niyang ex-girlfriend sa Malate, Maynila kamakailan.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang suspek at ang biktima na dating magkarelasyon kasama ang kanilang mga kaibigan sa Brgy. 752.

“After makaubos sila ng dalawang boteng gin, nalasing ‘yung biktima natin tapos nahilo, nakatulog. Paggising niya naramdaman niya masakit na ‘yung ari niya,” ani Police Maj. Leonardo De Guzman, deputy station commander ng Malate Police Station.

“Sumigaw na siya. Nagising ngayon ang mga kasama niya. ‘Yung suspek nagsabi sa kanya na ginigising siya dahil nanaginip siya,” dagdag ng opisyal.

Agad namang nagreklamo sa pulisya ang biktima kaya dinampot ang suspek sa tinitirhan nito sa Brgy. 818, Paco, Maynila.

“Pinuntahan namin ‘yung chairman, pinatawag at pinuntahan namin ‘yung bahay, lumabas naman. Magalang naman ‘yung lalaki. Kaya lang dineny niya lahat,” ani De Guzman.

Ayon sa suspek, dati niyang kasintahan ang biktima.

“Ang pangit po ng ginawa niya (biktima) sa akin dahil sa sobrang dami ko pong pakikisama sa kanya, ganito ‘yung bawi niya sa akin,” sabi ng suspek.

Sinampahan siya ng reklamong statutory rape at child abuse.