Ama ni Alden nag-warning sa fake news site: Ipapa-NBI din kita

NANGGAGALAITI ang ama ni Alden Richards sa isang entertainment page sa Facebook kaugnay sa ipinost na quote nito na mula umano sa anak na actor.

Mababasa sa May 1 post na may kalakip na photos nina Alden, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla: “Kathryn gave her love and trust to you pati na ang future niya for how many years pero niloloko mo lang pala. On cam ka lang pala loyal and sweet pero sa likod ng camera dugong Padilla ka talaga. Please bro, huwag mo nang guluhin pa si Kath, huwag kang selfish. Malaya na sya ngayon sa mundong ginagalawan niya.”

Giit ni Richard Faulkerson, hindi ito sinabi ng anak niya.

“Wag ganyan. Hindi ganyan ang anak ko. Abuso ka na. Wag mo intayin na ipa NBI din kita. Papahanap ko kung sino ka,” sabi nito.

Samantala, tila hindi alam ng maraming netizens na peke ang quote dahil todo bash ang mga ito kay Alden.

“Akala ko mabait si alden my tinatago din pala.”

“Yabang naman.”

“Boss senator ang isang Padilla wag mo lahatin, baka makasuhan ka nyan.”