Awra gumigimik para makalimot daw sa problema

ILANG buwan makaraang makulong makaraang masangkot sa rambol sa Makati, 

sinabi ni Awra Briguela na “better and stronger” na siya ngayon.

Sa kanyang vlog, kinumusta ni Vice Ganda si Awra kaugnay kasong kinakaharap kaugnay sa pinasimunuan umano nitong labo-labo sa Poblacion.

“I’m okay, I’m getting better and stronger,” ani Awra.

“Ano kasi ako Meme e, ako hindi ko kayang magpakita ng weakness ko sa mga taong mahal ko, kaya after what happened noong nakauwi na ako siyempre lugmok na lugmok ako, umiyak na ako dahil hindi ko na talaga kaya.

“Nung nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya ma-realize na parang nangyayari na sa akin ‘yun. And nung nangyari kasi ‘yun, hindi ko siya in-expect kasi nga YOLO ako nun e.

“Super gimikera talaga ako nun. And I just want to have fun talaga and makalimot ng problema. In short, tinatakbuhan ko ‘yung mga problem ko. Hindi ko siya hinaharap. Tinalikuran ko. So, nung nangyari siya sa akin, hindi ako makapaniwala,” litanya ni Awra.

Advice ni Vice sa alaga?

“Hindi masamang tumakas paminsan-minsan. Lalo na kapag ang sakit-sakit na? Tumatakas talaga tayo. Pero kailangan, alam natin na ‘yun ang solusyon. Kailangan, tatakas ka sandali para magpalakas lang. Pero kailangan mong balikan ang issues mo, kung ano man ang mga issues mo at harapin ‘yun at i-resolve. I hope you were able to realize that.”