Franseth: Ayaw naming maging Kathniel

IBINASURA nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang taguri sa kanila ng publiko na “the next KathNiel.”


Giit ni Seth Fedelin: “Hindi namin mapapalitan ang KathNiel. Gusto naming makilala as Seth and Francine.

Ang KathNiel, gusto naming marating ang narating nila pero hindi papalitan. Iniidolo namin sila sa kung ano ang nakamit nila. At ‘yun ang pangarap namin. Kung saan sila nakapunta, sana nakapunta rin kami sa sarili po naming paraan.”


“Ibang-iba po talaga ‘yung path nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at kung paano sila naging successful,” segunda ni Francine. “Kapag sinabing the next KathNiel, parang sinasabi na kung anong pinagdaanan nila, dadaanan din namin. Nakaka-pressure po kasi nakikita nila sa amin ‘yung KathNiel noon. But at the same time po, mas gusto naming makita nila as kami at hindi ibang tao,” dagdag ng young actress.


Iginiit din ni Seth na ayaw niyang maging si Daniel.


“Hindi ako magiging Daniel. Napakalabo po nu’n. Ang FranSeth po, hindi magiging KathNiel. Ayaw naming maging KathNiel,” punto niya. “Hindi biro ang naabot ng KathNiel. Pagdating sa trababo, hindi biro ‘yan. Kung ano ang nabigay nila sa industriya, ang naibahagi nilang talento, hindi biro yun.”


Klinaro naman ni Francine na kaibigan nila ni Seth sina Kath at DJ.


“Don’t get us wrong. We love KathNiel po. Naging friends po namin sila. Actually, si Ate Kathryn po kapag nagkakasabay kami sa trabaho, nagbabatian kami. Mabait po sa akin si Ate Kath, at siyempre po si Kuya DJ,” sey niya.


“‘Yun lang po talaga. Gusto lang po namin klaruhin na hindi po kami ang susunod sa KathNiel at hindi po namin papalitan yung KathNiel,” dagdag ni Francine.