Daniel support na lang nina Richard, Ian sa teleserye?

PINAPLANTSA na umano ang isang action-serye na pagbibidahan nina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Enrique Gil at Richard Gutierrez sa Kapamilya network.


Itinanggi naman ng mga fans ni DJ na support na lang ang kanilang idolo nina Richard at Ian.


Sey nila, hindi na-demote si Daniel mula nang magkahiwalay sila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Silang apat ang bida sa teleserye, ayon sa mga fans, at sa husay ni Daniel sa pag-arte ay hindi ito papayag na masapawan siya ng mas senior actors.


Sabi pa nila, isang blessing at advance birthday gift ang proyekto para sa aktor, na magdiriwang ng kanyang ika-29 kaarawan sa April 26.


Samantala, pinayuhan siya ng mga ito na huwag nang makipag-love team at magsolo na lang para ipakita sa mga supporters ni Kathryn na magsu-survive ang kanyang career kahit wala ito.