Closeness nina Alden, Kath hindi raw gimik

WALA nang makapipigil pa sa sequel ng 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” na pagbibidahan muli nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.


Sa kanyang Showbiz Now Na vlog, itsinika ni Cristy Fermin na nasa Canada ang production team ng Star Cinema at naglo-location hunt.


“Mga kaibigan ko mismo sa Alberta, Canada ang nagkukuwento na nandoon na po ang staff ng Star Cinema pati si Direk Cathy Garcia-Sampana,” ani Cristy.


“Nag-iscout na po sila ng mga lugar-lugar, location hunting…Alberta po ‘yan, nandiyan po ang pinakamagagandang lugar,” patuloy ng veteran showbiz writer at host.


Kaugnay nito, hindi naniniwala si Cristy na promo para sa nasabing pelikula ang pagiging closs ngayon nina Kath at Alden.


“Hindi ko pinaniniwalaan ‘yun,” giit ni Cristy.


“Hindi pa nga natatapos ang pelikula at ni hindi pa nga nauumpisahan kaya paanong nasa promo na agad?”