David ooperahan para sa sleep disorder

NAKATAKDANG sumailalim sa sleep apnea operation sa April 30 ang Kapuso actor na si David Licauco para maging obstruction-free na ang kanyang paghinga.


Ayon kay David, nasa 12 taon na niyang dinaranas ang sakit.


“Sana gumaling, ‘di ba? Kasi hirap na hirap na ako e,” aniya.


Dagdag niya, outpatient procedure lang ang operasyon at maiksi lang ang downtime.


“Before, ang alam ko kasi ‘yung operation, dapat talagang one month ‘yung recovery..But when I got myself checked up a week before I left for Canada, sinabi na meron palang procedure na pwedeng 15 minutes lang tapos yung down time, one day lang. Hopefully, makatulong,” pahayag niya.


Ang sleep apnea ay isang kundisyon kung saan paulit-ulit na humihinto at bumabalik ang paghinga habang natutulog.