Shaira naiyak sa panonood ni EA ng porn

INAMIN ni actress-host Shaira Diaz na nag-iiyak siya nang madiskubre niyang nanonood ng porn sa cellphone ang kanyang fiance na si EA Guzman.


Sa interview ni Ogie Diaz, ikinuwento ni Shaira na minsan ay napagdiskitahan niya ang cellphone ni EA at nadiskubre sa search history ang ilang porn sites.


“Nung nakita ko ‘yung history, na hindi ko inaasahan: ’Ano ‘to? Sino ‘to?’ […] Sabi niya kasi tapos na raw siya doon. Ganyan. Matanda na raw siya para doon. Tapos nakita ko ‘yung history, mayroong ano. Tapos umiyak ako,” ani Shaira.


“Umiyak ako kasi nasaktan ako. Kasi siyempre, sinasabi kasi nila na normal lang sa lalaki na manood ng ganito, ganyan-ganyan. [Pero] bakit parang kailangang i-normalize?” dagdag niya.


Punto pa ni Shaira, masakit para sa kanya na malaman na pinagpapantasyahan ni EA ang mga babaeng napapanood niya sa videos.


“Kasi para sa akin, parang kung nanonood ka noon e ‘di parang pinagpapantasyahan mo ‘yung ibang babae…Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako,” pahayag pa ni Shaira.


Matatandaan na isiniwalat ni EA na nananatiling virgin si Shaira sa kanilang 11-taon na relasyon.