Bagets tinarakan ng bbq stick sa puso, sawi

NASAWI ang isang 17-anyos na lalaki na sinaksak ng barbecue stick at bread knife na pinagtulungang bugbugin sa Quezon City kamakailan.


Naitakbo pa ang biktima sa ospital pero binawian din ng buhay dahil tumama ang stick sa kanyang puso.
Tatlo sa mga suspek, na pawang 18 anyos, ang nadakip matapos ang pagpatay.


Nakatambay sa labas ng bilyaran sa Brgy. Quirino 3A ang biktima nang bigla siyang pinalibutan ng grupo ng mga lalaki.


May tinanong sa kanya ang mga suspek pero hindi pa siya nakakasagot ay pinagsasapak na siya ng mga ito.


Nagawa pang makatakas ng biktima pero naabutan siya sa Anonas at doon na siya pinagsasaksak.
Tinutugis na ng pulisya ang iba pang sangkot sa krimen.