Vice Ganda naiyak sa panalo ni Hipon

INAMIN ni Vice Ganda na naiyak siya sa pagkakapanalo ni Herlene Nicole “Hipon” Budol ng first runner-up sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022.

Sa tweet, todo-puri rin ang TV host-comedian sa dami ng nauwing special awards ni Budol.

“E yung naiiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love you Herlene! #BinibiningPilipinas,” ani Vice.

Maliban kay Budol, pinapurihan din ni Vice ang mga kandidata na nakapasok sa Top 12.

“Di ako aarte sa mga candidates! Magagaling magsalita. May talino at husay! Nakakatuwang makita na dumadami na din ang mga tulad kong perpek! Chozzzz!” aniya.

Samantala, gustong malaman ni Vice kung bakit natagalan ang pag-anunsyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas International.

Makikita na nilapitan ng isang staff ng pageant ang mga hosts na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves.

“May very wrong! #BinibiningPilipinas,” tweet niya. “Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!”