Anak kinatay ng tatay

TINAGA hanggang sa mapatay ng 51-anyos na lalaki ang kanyang anak na babae dahil sa hindi pagkakaunawaan sa Sagay City, Negros Occidental.


Ayon sa ulat, kinumpronta ng biktima ang kanyang ama nang makita niya na pinagagalitan nito ang kanyang mga anak sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Rafaela Barrera nitong Miyerkules.


Napag-alaman na kinastigo ng lolo ang mga apo dahil pinaglalaruan ng mga ito ang tubig sa gripo.


Sa gitna ng pagtatalo ay umuwi ang biktima dahil nakainom ang ama.


Sinundan naman siya ng suspek at pinagtataga gamit ang itak. Nasawi ang biktima sa dami ng sugat sa katawan.


Sumuko sa pulisya ang suspek at sinabi na hindi iyon ang unang beses nila na away.


Nitong Huwebes ay sinampahan ng kasong parricide ang suspek.