Gastos ni Diego sa first birthday ng anak kasingmahal ng debut

PARA mabigyan ng bonggang first birthday party ang anak na si Hailey, limang raket ang lalagariin ng aktor na si Diego Loyzaga sa May.


Sa panayam ng mga entertainment writers, sinabi ni Diego na gusto niyang patunayan na kaya niyang tustusan ang pangangailangan ng anak.


“In the first week of May, I’m doing five back-to-back raket just to afford her birthday party.


“Not that I can’t afford it but, you know, money out is still money out. Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!”


“I am doing everything in my power to be able to…I’ve said so much, e. I really promised so much. I want to be able to provide,” chika ni Diego.


Aniya, motivated siyang magtrabaho nang husto dahil kay Hailey at dahil nagkakaedad na rin siya.


“I am starting to think about branching out. I’m 29 next month. So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before and it doesn’t end. It keeps on going. Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho,” share ni Diego.


“Makuwento ko lang, last weekend, we drove five hours sa Nueva Ecija, five hours to Pangasinan. From Pangasinan, I drove seven hours back to Caloocan, and that was all in a little more than 24 hours. Twenty-one hours on the road pa lang, just to do three back-to-back rakets. I’m very motivated,” paglalahad niya.