Angelica hindi na patron saint ng mga sawi

TAPOS na ang “sad girl era” ng aktres na si Angelica Panganiban makaraan siyang ikasal sa ikalawang pagkakataon sa mister na si Gregg Homan.


Sa Instagram, inanunsyo ni Angelica na tapos na ang pagiging patron niya ng mga sawi sa pag-ibig.


“Ito na ang tamang pagkakataon para magpasalamat tayong lahat kay Gregg! Tinapos niya ang sad girl era ko,” aniya sa caption ng ibinahagi niyang larawan sa kasal nila ni Gregg.


“Ang patron saint ng mga brokenhearted, now officially signing off. Sino gusto sumalo ng korona?” dagdag niya.


Iyon ang naging bansag kay Angelica makaraan ang sunod-sunod na break-up niya sa mga naging kasintahang sina Cholo Barretto, John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Carlo Aquino.