Toni Fowler tinulungan si Rob Moya na i-surprise ang GF

TINULUNGAN ng vlogger na si Toni Fowler ang ex-boyfriend na si Rob Moya sa pagpo-propose nito sa bagong girlfriend.


Naging “very hands-on” si Toni sa pag-aayos ng surprise ni Rob sa kasintahan.


Inamin ni Toni na naging emosyonal siya pero masaya siya para kay Rob dahil sa pagkakaroon nito ng bagong pag-ibig.


Kasama ang kanyang mga housemates at ang kanyang anak na si Tyronia, inayos ni Toni na hugis-puso ang mga rose petals.


Ipinakita naman sa vlog ni Rob na humingi ito ng tawad kay Tyronia dahil sa naging away nito kay Toni. –A. Mae Rodriguez