Ejay Falcon tatakbong vice governor sa Oriental Mindoro

SIGURADO na ang pagtakbo ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon sa pagka bise-gobernador sa Oriental Mindoro sa darating na halalan.


“Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na ‘yun ay ang maglingkod sa ating bayan at hindi mo matatanggihan na ‘yun,” ayon kay Falcon.


“Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant.”


Magiging running mate si Ejay ni incumbent Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor.


Hiniling ni Falcon na suportahan siya ng publiko gaya ng pagsuporta nito sa kanya bilang artista.


“Sana ay suportahan n’yo rin ako sa ganitong klase ng larangan. Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako,” dagdag niya


Matatandaang nagbida si Falcon sa ilang teleserye sa ABS-CBN gaya ng “Dugong Buhay” at “Sandugo.” –A. Mae Rodriguez