Dalagitang sumasagot ng module, itinumba 

NASAWI ang 14-anyos na estudyante na binaril sa loob ng kanyang silid sa Talisay City, Cebu Biyernes ng umaga.

Naganap ang pagpatay sa tahanan ng biktima, isang Grade 7 student, sa Sitio Riverside 1, Brgy. Cansojong, Talisay City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sinasagutan ng dalagita ang kanyang modules nang biglang pumasok ang suspek at pinaputukan siya.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa pagpatay.

Agad namang kinondena ng Department of Education (DepEd) Region 7 ang pagpatay sa dalagita.

“It is heartbreaking to hear of such senseless violence, especially against a young student who was simply pursuing her education,” ani Dr. Salustiano Jimenez, DepEd-7 regional director.

“We push the police nga madakpan gyud ang walay puangod nga naghimo ana nga krimen, the future of the child,” dagdag niya.

“We are deeply saddened by this devastating loss, and our thoughts are with the family and loved ones of the victim,” sambiit pa ni Jimenez.