Dagdag na 3M doses ng Sinovac dumating

DUMATING pasado alas-5 ng hapon ngayon Linggo ang tatlong milyong karagdagang doses ng Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Lulan ang mga bakuna galing China ng Philippine Airlines (PAL) flight PR359.

Sa kabuuan, nasa 69,699,340 doses ng bakuna ang dumating sa bansa. Umabot na sa 46,815,426 doses ng bakuna ang naiturok, kung saan 23,603,600 ang nakatanggap ng unang dose habang 20,205,826 ang fully vaccinated.