Sexbomb Izzy ipokrita, ayon kay Ogie Diaz

TINALAKAN nang husto ni Ogie Diaz si Sexbomb Izzy dahil sa ipinamukha nito sa anak na drag performer na kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla.

Ani Ogie, naloka siya sa pagiging inconsistent ni Izzy sa anak na si Andrei.

“Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa ‘yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?” sey ni Ogie.

“I think, mas kasalanan sa Diyos ‘yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi? Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo,” giit niya.

Ipinunto pa ng showbiz writer at vlogger na tama ang desisyon ni Andrei na bumukod ng tirahan.

“So masisisi ba natin yung bata kung magsabi siya na hindi na healthy kung magsasama pa kayong mag-ina?” sabi niya.

Nalulungkot din si Ogie na hindi tanggap ni Izzy ang anak.

“Juice ko, kahit maging pusa o sirena pa yang anak mo someday, anak mo yan, tanggapin mo. May purpose ang existence niya sa mundo, hayaan mong hanapin niya. At tanggapin mo ang anak mo kung hindi naman nanghahamak o nang-aapi ng kapwa.

So long as hindi naman siya gumagawa ng illegal, hindi sakit ng lipunan habang happy naman siya sa kanyang mga ginagawa eh payagan mo na,” dagdag niya.

Patutsada pa niya sa ex-dancer: “Juice ko, yung pangalan mo nga, baklang-bakla — me narinig ka ba sa amin?😂😂😂.”