MRT-3 may libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno

MAY alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa mga kawani ng pamahalaan mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 20 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na kailangan lamang ipresinta ang ID para makasakay ng libre sa tren. Magsisimula ang libreng sakay mula 7 hanggang 9 ng umaga, at 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

“Kami po sa MRT-3 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ang handog naming libreng sakay ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin,” sabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino