Raymond Gutierrez: I’m gay


INAMIN ng host na si Raymond Gutierrez sa isang magazine interview na miyembro siya ng LGBTQ+ community.


Ipinost ng MEGA Magazine ang larawan ni Raymond na cover ng August issue nito kung saan ikinuwento ng kakambal ng aktor na si Richard Gutierrez ang pinagdaanan niya bilang isang gay.


“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am,” aniya sa panayam ng magazine.


Si Raymond ang nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez at anak nina Eddie Gutierrez at Annabel Rama. –A Mae Rodriguez