Carla Abellana kinastigo dogeaters sa La Trinidad


KINONDENA ng aktres na si Carla Abellana ang isang task force sa La Trinidad na karne ng aso umano ang ipinapakain sa mga miyembro nito.


Sa Instagram, ipinost ni Carla na nakatanggap ng ulat ang Animal Kingdom Foundation na nagkatay ng aso ang Task Force Kasanag para ipakain sa mga rumoronda nitong mga miyembro.


“We call on the leadership of Task Force Kasanag to shed light on this crime as it runs counter to their advocacy against criminality and as environmental crusaders,” ayon sa aktres.


“AKF strongly condemns butchering of dogs so individuals can fill their empty (stomachs),” dagdag niya.


Ipinaalala ni Carla sa publiko na krimen ang pagkatay at pagkain ng aso.


“Dogs are not meat,” giit niya. –A Mae Rodriguez