Kristina Knott bigo sa 200m run

MAAGANG natapos ang Olympic medal quest ng Filipino-American sprinter na si Kristina Knott.

Bigong maka-advance sa semifinals si Knott nang makapagtala ng 23.80 seconds sa 200m run Lunes ng umaga.

Ang 25-anyos na si Knott ang nahuli sa Heat 7 ng preliminary round.

Samantala ang Amerikanong si Jenna Prandini ay nakapagtala ng 22.56 seconds habang si Ginal Bass ng Gambia ang pumangalawa na nakapagtala ng 22.74 seconds. Nasa ikatlo naman si Riley Day ng Australia na may 22.94 seconds.