Pinoy best actresses nag-bonding

NAGING maningning ang Instagram makaraang magsasama sa pictures ang mga stars na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Anne Curtis at Dimples Romana.

Ipinost ni Angel ang mga snaps ng kanilang reunion, kung saan kasama rin ang kanilang mga partners, na nilagyan niya ng caption na “About last night.”

“Missed you guys soooo much!!” komento naman ni Anne.

Reply ni Angel: “SUPER NAKAKA-MISS! Love you so so much! Excited na kami sa concert mo. SHE IS BACK.”