Pasahero timbog sa bomb joke sa Davao airport

DINAKIP sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City kamakailan ang lalaking pasahero dahil sa pagbibiro nito ukol sa bomba sa eroplano.

Patungo ng Singapore ang 42-anyos na pasahero noong Biyernes nang masakote ng mga tauhan ng Davao International Airport Police Station (DIAPS).

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga pulis sa

check-in counter ng paliparan kaugnay sa reklamo ukol sa pasahero.

“When asked by the CSAs about the contents of his baggage, he replied with the phrase ‘Wala ni mabuak diri Ma’am, bomba lang,” sabi ng PNP Aviation Security Group.

Dinala sa Sasa Police Station ang pasahero bago sinampahan ng reklamong paglabag sa PD 1727.

Wala namang naapektuhang flights dahil sa pangyayari.