Dianne Medina nag-set up ng pool sa sala; tinaasan ng kilay ng netizens

FOR the flexing ng bahay si madam.

Ito ang reaksyon ng ilang netizens sa ginawang pag-set up ng inflatable pool ng TV personality na si Dianne Medina sa gitna ng kanilang marangyang sala para makapaglaro ang anak na si Joaquin.

Sa Instagram nitong Linggo, shinare ni Dianne ang clip ng paglalaro ni Joaquin sa pool sa kanilang living room.

“Joaquin wants to swim outside but its so hot and told me he wanted to swim inside. So ayan nag set up kami ni Daddy Rj ng Mini pool niya. At first I was bit hesitant madudumihan and mababasa ang carpet and all pero naisip ko minsan lang bata si Joaquin gusto ko ma- enjoy niya and ang sala pwede naman patuyuin at linisin ang mga gamit hahha! Same as before nagdrawing siya ng car sa sofa using pentel pen hindi na ko nagalit kasi mapapalitan naman yun haha! Kung saan ka masaya anak! Mahal na mahal kita 💙,” ani Dianne sa caption.

Dinumog naman ng netizens ang comment section para i-bash ang paandar ni Dianne.

“Ang OA nya tlaga.”

“Ma flex lang balur ni madam. I dont get ur parenting but u said kanya kanya.”

“Medyo nakakatawa un post parang flexing ang dating. Why not dun sa walang carpet? Medyo naawa ako sa helper.”

“Ang OA, feel lang siguro nya magyabang ngayon. Meron naman silang covered garage na pwede paglagyan ng pool.”

“Di ko rin gets bakit dun pinwesto.. More like gusto lang i-flex ang bahay. Ito ang dating saken.”

“Sinadya talaga ni Atiii yan. Alam nyang madaming magco-comment. Engagements din yan. Tsaka flex pa more ng bonggang bahay. Tapos, “we can always buy a new carpet” eme…”

“Meron kasi silang taga ligpit nyan. Hindi naman sila ang mahihirapan magligpit.

Taga kalat at taga gulo lang sila lol!’