OFW na nalunod sa Dubai naiuwi na

NAIUWI na nitong Linggo sa Cagayan ang labi ng Pinay na nalunod sa malawakang pagbaha sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) noong April 17.

Sinalubong sa Tuguegarao Domestic Airport ng mga kaanak, kababayan at mga kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang labi ni Marjorie Saquing-Ancheta, 30, na sakay ng eroplano ng Philippine Airlines.

Dinala ang katawan ni Ancheta sa isang punerarya sa siyudad, inilagay sa casket bago iniuwi sa kanyang bahay sa Brgy. Masical sa bayan ng Amulung.

Isa si Ancheta sa tatlong Pinoy na nasawi sa pagbaha sa UAE. Nasa loob siya nang sasakyan nang abutan ng pagtaas ng tubig.

Napag-alaman na dapat ay magbabakasyon ng Pilipinas ang OFW sa Setyembre para sa kaarawan ng kanyang kambal na anak.