Vice Ganda susugurin si Diwata?

HINDI naitago ng street food sensation na si Diwata ang saya nang regaluhan siya ng mga upuan, mesa at tent ng kanyang idol na si Vice Ganda.

Ibinahagi ni Diwata sa Facebook ang video ng pag-uusap nila sa cellphone ng taong inutusan ni Vice tungkol sa mga regalo na magagamit niya sa paresan.

“Pakisabi kay Vice Ganda na pinapaabot ko na maraming salamat sa pinadala niyang napakagandang pieces na galing sa kanya. Naa-appreciate ko po ito lahat. At saka ‘yun lang, maraming salamat sa lahat at God bless po sa ating lahat,” ani Diwata sa kausap.

Kaugnay nito, ibinalita rin ni Diwata na bibisita sa mga susunod na araw ang Unkabogable Star sa kanyang stall sa Pasay City.

“Abangan nyo ang pagpunta nya sa paresan ko soon,” chika ng street food vendor.