Katawan ng babae nahati sa aksidente

MALAGIM ang naging wakas ng isang 65-anyos na babae makaraang mahati ang katawan niya nang magulungan ng 10-wheeler truck sa Cebu City nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, naganap ang aksidente sa South Road Properties.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, pababa ng tulay ang truck nang biglang tumawid ng kalsada ang babaeng residente ng Mandaue City.

Dahil sa bilis ng sasakyan ay hindi ito namalayan ng biktima. Hindi rin naka-brake agad ang driver ng bus.

Dinakip ang driver na nahaharap sa kasong

reckless imprudence resulting in homicide.

Samantala, inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar kung saan ipinagbabawal ang mga pedestrian.