E-bike driver pinagtripan, tinarakan sa leeg

DEAD on the spot ang e-bike driver na sinaksak sa leeg ng dalawa katao, kabilang ang Fil-German, sa Talisay City, Cebu.

Arestado ang isa sa mga suspek sa follow-up operation ng pulisya habang tinutugis ang kasama niya.

Napag-alaman na napagkatuwaan lang saksakin ng mga suspek ang biktimang si

Junex Sabayen, 31, ng Brgy. Dumlog, dahil ayon sa pagsisiyasat ay walang atraso ang napatay sa dalawa.

Sa kwento ng live-in partner ng biktima, naglalakad si Sabayen patungo sa inuman nang harangin ito ng mga suspek bago tinarakan sa leeg.

Ayon sa babae, hindi niya kilala ang mga suspek.