Pia Wurtzbach lactose intolerant, mataas ang kolesterol

HALOS inaaraw-araw na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagwo-work out mula nang malaman niya na mataas ang kanyang cholesterol level.


“Starting the day with a good workout. Akalain mo ‘yun mataas daw cholesterol ko. Kaya eto double time na sa pagseseryoso. Kahit naman anong itsura mo sa panlabas e kung mataas cholesterol mo paano na,” aniya sa kanyang Instagram story.


Ibinunyag din ng beauty queen na lactose intolerant siya kaya namimilipit siya sa sakit ng tiyan niya sa tuwing kumakain siya ng dairy products.


“Ang tagal kong tina-try i-figure out kung bakit laging namimilipit ako sa sakit tuwing umiinom ako ng kape. ‘Yung milk pala. Sayang kasi love na love ko kumain ng dairy products, lalo na ng cheeses. But oh well. Kung ayaw ng katawan mo, gano’n talaga.”


Sabi niya sa publiko, wala sa panlabas na anyo ang ang kalagayan ng katawan ng isang tao.


“[This is] to let you guys know na minsan wala talaga sa panlabas na itsura ‘yung kalagayan ng katawan mo. Listen to your body, make the necessary changes and your health will improve. Some of these challenges are reversible,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez